Mga miyembro ng KAPA, magsasagawa ng prayer vigil vs pagpapasara sa kanilang kongregasyon

By Ricky Brozas June 09, 2019 - 03:00 PM

Tatapatan ng dasal ng mga miyembro ng Kabus Padatuon Community Ministry Incorporated O KAPA ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang kanilang mga aktibidad.

Isang prayer vigil ang idaraos ng mga kasapi ng kongregasyon sa pamumuno ng kanilang lider na si Joel Apolinario, Linggo ng gabi.

Una nang ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) at PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ipapasara na ang lahat ng operasyon ng KAPA.

Kamakailan ay kumalat sa social media ang mga impormasyon na sinumang miyembro na tatalikod sa samahan ay blacklisted na at hindi makakakuha ng 30 porsiyentong monthly interest ng kanilang investments.

Dahil dito ay naalarma ang mga miyembro sa banta ng pangulo at ang iba ay nagbabalak nang kunin ang kanilang pera sa mga opisina ng KAPA pero karamihan sa mga ito ay sarado, araw ng Linggo ng June 9.

Matatandaan na ipinahayag ni Apolinario na ang mga mahihirap ay sakop umano ng kaharian ni Satanas dahilan para itinayo nito ang KAPA upang maiahon umano sa kahirapan ang mga dukha.

TAGS: KAPA, Pangulong Duterte, KAPA, Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.