Sarah Lahbati, Richard Gutierrez abala na sa paghahanda sa kanilang kasal

Ibinunyag ng model at aktres na si Sarah Lahbati na nagsimula na silang maghanda ng aktor na si Richard Gutierrez para sa kanilang kasal.

Sa Instagram, nag-post si Sarah ng larawan kung saan kasama niya sina Richard at anak na si Zion sa Oahu, Hawaii.

Sa caption ng larawan, sinabi ni Sarah ang pagsisimula ng pag-aayos ng kanilang kasal ni Richard sa susunod na taon.

Nagpapasalamat aniya siya sa biyayang magandang buhay, pamilya at asawa.

Nagpasalamat din si Sarah sa Panginoon sa lahat ng ibigay na leksyon at gabay para sa kanilang pamilya.

Matatandaang hiningi ni Richard ang kamay ni Sarah para magpakasal noong July 2017.

Sa ngayon, dalawa na ang anak ng celebrity couple; ang isang taong gulang na si Kai at anim na taong gulang na si Zion.

Read more...