PNP isasailalim sa Oplan Katok ang brodkaster na si Erwin Tulfo
Nagbanta ang Philippine National Police (PNP) na isasailalim sa “Oplan Katok” ang ang brodkaster na si Erwin Tulfo kapag hindi nito isinuko ang kaniyang mga armas.
Iyan ay matapos na mapag-alaman ng PNP-Firearms and Explosives Office (FEO) na expired na ang license to own and possess firearms (LTOPF) ni Tulfo.
Ayon kay PNP-FEO Director Police Brig. Gen. Val De Leon, may pitong armas na nakarehistro sa pangalan ng brodkaster.
Maari aniyang isuko ni Tulfo ang kanyang mga armas sa pinakamalapit na istasyon ng pulis.
Sinabi naman ni PNP Spokesperson Police Col. Bernard Banac, ang sulat ng FEO kay Tulfo ay unang hakbang sa Oplan Katok.
Kapag hindi aniya ito pinansin ni Tulfo ay susunod nilang gagawin ang pagkatok sa bahay ng komentarista.
At kapag hindi pa rin aniya tutugon ay isisilbi na ng PNP ang search warrant.
Paglilinaw naman ng PNP-FEO, hindi expired ang lisensiya ng mga baril ni Tulfo kundi ang kanyang LTOPF lamang dahilan para ipa-recall ang mga armas nito para sa safekeeping.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.