Kaso ng Dengue, posibleng tumaas ngayong taon – Duque

Nagbabala si Health Secretary Francisco Duque III sa posibleng pagtaas ng kaso ng sakit na Dengue ngayong 2019.

Dahil dito, sa isang panayam, nagbabala ang kalihim sa publiko na maging maingat at alalahanin ang kampanyang ‘4S’ ng kagawaran.

Narito ang 4S strategy ng DOH laban sa naturang sakit:
– Search and destroy mosquito breeding places
– Secure self-protection
– Seek early consultation
– Support fogging or spraying only in hotspot areas

Batay sa tala hanggang June 9, nasa mahigit 70,000 na kaso ng Dengue ang naitala sa bansa.

Ani Duque, posible pa itong pumalo hanggang 200,000 na kaso sa pagtatapos ng taon.

Read more...