US, Mexico nagkasundo na sa isyu ng migration at taripa

Nagkasundo na ang Estados Unidos at Mexico ukol sa isyu ng migration at ang banta sa taripa ay “indefinitely suspended.”

Ayon kay US President Donald Trump, nagkaroon na ng kasunduan ang bansa sa Mexico kaugnay ng migration at suspension ng taripa.

Nakatakda na sanang ipatupad ng US ang taripa pero sinabi ni Trump na pumayag ang Mexico na magsagawa ng matinding hakbang para mabawasan ang illegal immigration.

Anunsyo ito ng US President matapos ang tatlong araw na negosasyon kung saan nagdemand ang Amerika ng total crackdown sa Central American migrants at deal sa pagtanggap nila ng asylum petitions.

Balak sana ni Trump na patawan ng 5 percent tariff ang Mexico at tataas pa ito hanggang 25 percent sa susunod na mg buwan.

 

Read more...