Año itinanggi na lamang ang mga pulis kaysa guro sa pay hike

By Len Montaño June 09, 2019 - 02:35 AM

Pinabulaanan ni Interior Secretary Eduardo Año na mas pinapaburan ng administrasyong Duterte ang mga pulis kaysa mga guro pagdating sa dagdag sweldo.

Ayon kay Año, hindi dapat pagdudahan ang commitment ng administrasyon sa mga empleyado ng gobyerno.

Kinikilala anya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang serbisyo ng mga guro sa bansa dahil ang ina ng Pangulo ay dating public school teacher.

“The Administration’s concern and commitment to our government employees, including the teachers, is unquestionable. The President himself recognizes their noble service to the country as his late mother, whom he dearly loved, was also a public school teacher,” pahayag ni Año.

Dagdag ng Kalihim, walang basehan ang pahayag ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na pinapaburan ng Pangulo ang mga pulis at ibang uniformed personnel kaysa mga guro sa pampublikong eskwelahan.

Sinabi pa ni Año na ang DILG ang nagbibigay ng pantay sa pagkilala sa trabaho ng mga guro at pulis.

Itinaas anya ang sweldo ng mga pulis dahil pangako ito ng Pangulo noong kampanya at bahagi ito ng plataporma ng gobyerno.

Dahil anya sa maraming mga guro, matatagalan ang proseso sa umento sa sahod dahil malaki ang magiging epekto nito sa mga taxpayers.

 

TAGS: ACT, dagdag-sweldo, guro, Interior Secretary Eduardo Año, pabor, pay hike, Pulis, umento, ACT, dagdag-sweldo, guro, Interior Secretary Eduardo Año, pabor, pay hike, Pulis, umento

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.