Gilas Pilipinas at South Korea, nasa parehong grupo sa Fiba Asia qualifiers

By Len Montaño June 09, 2019 - 01:40 AM

Fiba.com photo

Muling makakasagupa ng Gilas Pilipinas ang karibal nitong South Korea sa Fiba Asia Cup qualifiers sa 2021.

Parehong napunta sa Group A ang Pilipinas at South Korea kasama ang Indonesia at Thailand matapos ang seremonya sa India.

Ang dating team captain ng Gilas na si Jimmy Alapag ang bumunot ng pangalan ng bansa sa unang draw.

Ang Pilipinas na Number 4 team sa Asya ay ang highest-ranked team sa Group A.

Ang South Korea naman ay Number 5 habang ang Indonesia ay Number 16 at Number 21 ang Thailand.

Matatandaan na natalo ang Pilipinas sa South Korea sa semifinals ng 2017 Fiba Asia Cup.

Ayon sa Fiba, ang top 2 teams sa bawat isa sa anim na grupo ay automatic na aabante sa 16-country Asia Cup.

 

TAGS: 2021 Fiba Asia Cup qualifiers, draw, Gilas Pilipinas, Group A, highest-ranked team, India, Jimmy Alapag, south korea, 2021 Fiba Asia Cup qualifiers, draw, Gilas Pilipinas, Group A, highest-ranked team, India, Jimmy Alapag, south korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.