Ayon kay Police Corporal Roland Alu, Compostela Police Station Desk Officer, 21 empleyado na nasa loob ng KAPA office ang ninakawan ng mga suspek.
Bukod sa pagkuha sa vault ng KAPA na may lamang hindi pa tukoy na halaga ng pera, kinuha rin ng mga suspek ang mga cellphone, cash at laptop ng mga empleyado.
Ayon sa imbestigasyon, pwersahang binuksan ng mga armadong lalaki ang pintuan ng KAPA.
Matapos nakawan ang mga empleyado ay tumakas ang mga suspek pagkatapos nilang sunugin ang tanggapan ng KAPA.
Kahit 400 metro lamang ang layo ng KAPA office sa Compostela police station, nakatakas ang mga suspek.
Pero bago tumakas ay sinunog ng mga armadong lalaki ang KAPA office at tumagal ang sunog hanggang alas 2:25 ng umaga.
Nangyari ang pagnanakaw at panununog matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang naturang Surigao del Sur-base religious corporation at isara ito kapag napatunayan na sangkot ito sa investment scam.