KAPA office sa Compostela, Cebu ninakawan at sinunog ng 10 suspek

By Len Montaño June 09, 2019 - 01:25 AM

Sampung armadong lalaki ang nagnakaw at nanunog ng tanggapan ng KAPA Community Ministry Foundation sa bayan ng Compostela sa Cebu Sabado ng madaling araw.

Ayon kay Police Corporal Roland Alu, Compostela Police Station Desk Officer, 21 empleyado na nasa loob ng KAPA office ang ninakawan ng mga suspek.

Bukod sa pagkuha sa vault ng KAPA na may lamang hindi pa tukoy na halaga ng pera, kinuha rin ng mga suspek ang mga cellphone, cash at laptop ng mga empleyado.

Ayon sa imbestigasyon, pwersahang binuksan ng mga armadong lalaki ang pintuan ng KAPA.

Matapos nakawan ang mga empleyado ay tumakas ang mga suspek pagkatapos nilang sunugin ang tanggapan ng KAPA.

Kahit 400 metro lamang ang layo ng KAPA office sa Compostela police station, nakatakas ang mga suspek.

Pero bago tumakas ay sinunog ng mga armadong lalaki ang KAPA office at tumagal ang sunog hanggang alas 2:25 ng umaga.

Nangyari ang pagnanakaw at panununog matapos iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang naturang Surigao del Sur-base religious corporation at isara ito kapag napatunayan na sangkot ito sa investment scam.

 

TAGS: 10 armadong suspek, cebu, compostela, investment scam, KAPA Community Ministry Foundation, ninakawan, sinunog, 10 armadong suspek, cebu, compostela, investment scam, KAPA Community Ministry Foundation, ninakawan, sinunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.