Kris Aquino pahinga sa social media para mag ‘heal’

Kris Aquino FB

Susubukan ni Kris Aquino na huwag munang maging aktibo sa social media at maging isang “regular citizen” na lamang.

Sa kanyang Facebook post ay sinabi ni Kris na simple ang kanyang dahilan, kailangan umano nitong gumaling.

Focus na umano ang actress-host sa pag-aalaga sa mga anak na sina Joshua at Bimby.

Sa kanyang pahinga ay tanging mga endorsements ang magiging laman ng kanyang social media posts.

Na-miss umano ni Kris ang dati nitong sarili na isang workaholic at hindi laging nakahiga dahil sa sakit.

Pero kailangan umano itong gawin ng aktres kundi ay lalala ang kanyang kalusugan.

Nangako naman si Kris na muling magiging aktibo sa social media kapag naging mas malusog na siya.

Nagpahiwatig pa ito na gusto niyang mag-host ng isang online talk show.

Read more...