WATCH: Actual video ng pagbagsak ni Eddie Garcia habang nasa taping

Nasa kritikal na kundisyon ang beteranong aktor na si Eddie Garcia matapos atakehin sa puso habang nasa gitna ng taping ng bago nitong palabas sa telebisyon.

Sa opisyal na pahayag ng pamilya ni Garcia, kinumpirma ng mga kaanak na dumanas ang aktor ng “severe heart attack.”

Nasa critical observation si Garcia at ginagawa ng mga doktor ang lahat para matiyak na nabibigyan ito ng mabuting pag-aalaga.

Humiling ng dasal ang pamilya ni Garcia para sa ikagagaling nito.

Sa edad na 90 anyos ay ginagawa pa rin umano ni Garcia ang pinakagusto nitong gawin, ang pag-arte.

Sa social media ay bumuhos naman ang panawagan ng mga kapwa artista ni Garcia na ipagdasal ang paggaling ng aktor.

Samantala, sa video ni Mhervien Maco mapapanood ang aktuwal na pangyayari sa taping hanggang bumagsak si Garcia.

Makikita na kunwaring may hawak na baril ang aktor pero matapos humakbang ay bumagsak na ito.

Si Garcia ay nasa taping ng bagong telerserye ng GMA network nang ito ay mag-collapse.

Read more...