8 patay matapos mahulog ang sinasakyan nilang trak sa Camarines Sur

By Len Montaño June 08, 2019 - 10:13 PM

Credit: Zhel Baculay

Walong katao ang nasawi matapos mahulog ang sinasakyan nilang trak sa San Fernando, Camarines Sur Sabado ng gabi.

Kabilang sa mga namatay ang magkasintahan na nakatakda nang ikasal at kanilang mga kamag-anak matapos mamanhikan sa Barangay San Joaquin.

Lima ang dead on the spot sa aksidente.

Nawalan umano ng preno ang trak, bumangga sa kahoy at nahulog sa bangin.

Namatay naman sa ospital ang tatlong iba pa.

Wala pang inilabas ang otoridad na pagkakilanlan ng mga biktima.

 

TAGS: 8 patay, aksidente, camarines sur, dead-on-the-spot, magkasintahan, mamanhikan, nahulog sa bangin, San Fernando, 8 patay, aksidente, camarines sur, dead-on-the-spot, magkasintahan, mamanhikan, nahulog sa bangin, San Fernando

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.