3 bata nasawi matapos malunod sa Agno River sa Benguet

By Noel Talacay June 08, 2019 - 09:22 PM

File photo

Patay ang tatlong batang babae matapos malunod sa Agno River sa Benguet.

Kinilala ang mga biktima na sina Kyla Mae Fernandez, Grade 9 student, Dickzy Mae Catos, Grade 7, at Angel Hernandez, Grade 9 na mga estudyante at stay-in sa Bless His Place Academy Incorporated.

Natagpuan ang kanilang mga bankay sa Dalupirip, Itogon, Benguet.

Ayon kay Police Major Romel Sawatang, hepe ng Itogon Municipal Police Station, naligo sa Agno River ang mga biktima matapos kumuha ng kahoy sa gubat, nang biglang nalunod ang isa sa kanila.

Sinubukang sagipin ng dalawa ang unang nalunod pero bigo ang mga ito at maging sila ay nalunod din.

Napag-alaman na hindi marunong lumangoy ang tatlong bata.

 

TAGS: 3 bata, Agno River, benguet, hindi marunong lumangoy, Itogon Municipal Police Station, naligo, nalunod, 3 bata, Agno River, benguet, hindi marunong lumangoy, Itogon Municipal Police Station, naligo, nalunod

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.