Journalist patay sa pamamaril sa QC

Facebook photo

Patay ang isang freelance journalist makaraan siyang barilin sa ulo ng dalawang suspek sa Quezon City.

Kinilala ng Quezon City Police District Office ang biktima na si Adam Moraleta na isang account executive sa PTV4.

Ang 56-anyos na si Moraleta ay nagsusulat rin sa ilang mga pahayagan.

Ang biktima ay kinilala ng kanyang anak sa pamamagitan ng larawan na ipinakita sa kanya ng mga barangay officials.

Napag-alaman na ang pamamaril ay naganap noong June 6, pasado alas-siyete ng umaga sa kahabaan ng De Leon street, Brgy. Holy Spirit sa nasabing lungsod.

Sinabi ng isang security guard sa lugar na nakarinig siya ng tatlong putok ng baril na sinundan ng pagtakas ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Nagsasagawa na ngayon ng follow-up investigation ang mga operatiba ng QCPD.

Read more...