Ilang kumpanya ng langis nagpatupad na ng bigtime rollback
Inanunsyo ng Phoenix Petroleum Philippines ang kanilang roll back sa mga produktong petrolyo nito.
Ang presyo ng kanilang gasolina ay bababa ng P2.60 kada litro at P2.70 kada litro naman sa diesel.
Epektibo ito simula 6:00, Sabado ng gabi, June 8.
Samantala, magpapatupad din ng roll back ang Shell sa Martes, June 11.
Ayon sa inilabas na abiso ng Shell ang kanilang gasolina ay bababa ng P2.45 kada litro, diesel ay P2.70 at P2.60 kada litro sa naman sa kerosene o gaas.
Ang panibagong paggalaw sa presyo ng petrolyo ay may kaugnayan pa rin sa pagbaba ng presyo nito sa world market.
Sa Martes ng umaga inaasahang susunod rin sa rollback ang iba pang kumpanya ng langis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.