Duterte: Pilipinas muling bibili ng mga armas sa US

By Den Macaranas June 08, 2019 - 07:27 PM

Malacañang photo

Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang pinag-aaralan ang pagbili ng mga armas mula sa US.

Ito ay dahil sa nagpapatuloy na magandang ugnayan nila ni US President Donald Trump.

Taliwas ito sa kanyang naunang pahayag na sa Russia bibili ng mga armas ang Armed Forces of the Philippines makaraan niyang personal na makaharap si Russian President Vladimir Putin.

Ito rin ang naging tugon ng pangulo nang sabihin ng US na hindi na sila magbibigay ng military aid sa Pilipinas kapag itinuloy ng pamahalaan ang pagbili ng mga armas sa Russia.

Bagaman nagkaroon ng hindi magandang karanasan ang bansa sa mga nabili noon na mga baril sa US ay pwede naman umanong muling buksan ang posibilidad ng pagbili ng military hardware sa nasabing bansa.

Sakaling matuloy ang pagbili ng mga armas sa US, sinabi ng pangulo na hindi naman ito nangangahulugan na lalayo na ang Pilipinas sa pakikipag-kaibigan sa Russia at China.

TAGS: China, duterte, military hardware, Russia, trump, US, China, duterte, military hardware, Russia, trump, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.