Commuters at motorista, stranded na naman

By Jay Dones December 16, 2015 - 04:36 AM

 

pasong tamo cor buendia
Kuha ni Jay Dones

Magdamag na namang ‘stranded’ ang libu-libong mga commuters at motorista sa Metro Manila dahil sa maghapon at magdamag na ulan na naranasan Martes, dahil sa epekto ng bagyong ‘Nona’.

Marami sa mga commuter mula sa lungsod ng Makati, Maynila, Mandaluyong, Quezon City, at iba pang mga lugar ang nabigong makahanap ng masasakyan dahil sa maraming mga lansangan ang nalubog sa tubig-baha.

Partikular na nakaranas ng mga pagbaha ang mga lugar ng Buendia Ave sa Makati, Pasong tamo at Buendia-Taft Ave..

Binaha rin ang mga lugar ng Taft Ave., sa Maynila. Maysilo sa Mandaluyong at Aranaeta Ave sa Quezon City, Samson Road sa Valenzuela City malapit sa Tullahan river at iba pang mga lugar.

Dahil dito, nahirapang umusad ang mga sasakyan na naging dahilan ng gridlock sa mga lansangan kasama na ang ilang bahagi ng EDSA.

Hanggang kaninang alas 2:00 ng madaling-araw, libu-libo pa ring mga commuters ang nananatili sa mga lansangan dahil sa kawalan ng mga masasakyan at matinding trapik.

Maging ang mga pribadong sasakyan ay bigo ring makaiwas sa mga matrapik na lansangan dahil sa matinding pagbibigat ng daloy ng trapiko.

Pinalala pa ang sitwasyon nang pansamantalang magsara ang Buendia terminal ng MRT Martes ng hapon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.