DSWD Sec. Baustista ‘Daig pa si Padre Damaso’ ayon kay Ben Tulfo
Binatikos ni Ben Tulfo ang mga kahilingan ni Department of Social Welfare and Development (DWSD) Secretary Rolando Bautista kaugnay sa naging isyu nito kay Erwin Tulfo.
Ayon sa pahayag ni Ben Tulfo sa pamamagitan ng social media, ‘butaw’ na P300,000 pa ang kinakailangan para mahugasan ang kasalanan ng kanyang kapatid.
Inihalintulad pa niya si Bautista kay Padre Damaso na isang karakter sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere.
Pinabulaanan din niya kung bakit kailangan pang maghingi ng tawad ni Erwin Tulfo sa social media.
Binasag na ni Baustista ang kanyang katahimikan ng maglabas ito ng opisyal na pahayag kung saan nanghingi ng P300,000 donasyon sa mga piling institusyon bilang danyos.
Bukod dito, hiningi rin ng kalihim na maglabas ng public apology sa social media si Erwin Tulfo upang mapatunayang sinsero ito.
Matatandaang nagsalita ng hindi maganda si Erwin Tulfo kay Bautista ng hindi ito pumayag sa isang panayam sa kanyang programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.