Aktibong pulis at dating sundalo, arestado sa magkahiwalay na buy-bust sa Cebu

By Jimmy Tamayo June 08, 2019 - 11:25 AM

Arestado ang isang pulis sa drug buy bust operation sa Barangay Basak Pardo, Cebu City.

Bandang alas-6:00 ng gabi ng magsagawa ang operasyon ang mga operatiba ng Cebu City Police Station 7 sa Sitio Caimito kung saan naaresto si Police Corporal Rogelio Atillo, na miyembro ng Labangon Police Precinct’s Drug Enforcement Unit.

Ang pulis ay nakuhanan ng 25 na gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P170,000 at P27,000 na cash na pinaniniwalang galing sa illegal drug trade.

Kinumpiska rin ang service firearms ng pulis na isang Gloc 17 pistol.

Samantala sa operasyon sa dalawang barangay, apat na drug suspect ang naaresto kabilang ang isang dating sundalo.

Isinagawa ang operasyon sa Barangay Pusok at Barangay Buaya sa Lapu-Lapu City.

Nabatid na kabilang sa drug watchlist ang dating sundalo na nakuhanan ng 3 gramo ng shabu.

TAGS: 000, 25 na gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P170, Arestado ang isang pulis sa drug buy bust operation, Labangon Police Precinct’s Drug Enforcement Unit, 000, 25 na gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P170, Arestado ang isang pulis sa drug buy bust operation, Labangon Police Precinct’s Drug Enforcement Unit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.