Pang. Duterte inatasan ang NBI at ibang ahensya laban sa mga investment companies sa Southern Mindanao
Pinakikilos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang ahensya ng pamahalaan para matigil na ang investment schemes sa Southern Mindanao.
Sa panayam ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ng Pangulo na isang uri ng estafa ang ginagawa ng naturang mga kompanya kung saan marami na ang nabibiktima.
Tinukoy dito ang Kapa Community Ministry International at iba pang investment company na naglipana sa Southern Mindanao ay mayroo na rin umanong mga sangay sa Luzon.
Ang Kapa Community Ministry ay pinamumunuan ang isang Joel Apolinario na nangangako ng 30% “love gift” kada buwan sa kanilang mga kliyente.
Nabanggit din ang Rigen Marketing na naka-base sa Tagum City at ang Jogle and Ever Arm na nag-aalok ng 500% na return of investments.
Binigyang diin ng Pangulo na dapat matigil na ang operasyon ng mga kompanyang ito na nambibiktima sa mga inosenteng tao at kanilang mga pinaghirapang pera.
Napag-alaman na mayroon nang “cease and desist” order ang nasabing mga kompanya pero patuloy umano itong binabalewala at nagpapatuloy sa kanilang operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.