Lalaking natagpuang patay sa kalsada sa Bohol, nakilala na ng pulisya

By Clarize Austria June 08, 2019 - 10:06 AM

Nalaman na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng lalaking natagpuang patay sa gilid ng kalsada sa Balilihan, Bohol noong June 7.

Kinilala ni Police Captain John Lynbert Yango, hepe ng Balilihan Police, ang bangkay na si Regino Laudiana Jr., 24 anyos.

Ayon kay Yango, nalaman nila ang pangalan ng biktima dahil sa nakatattoo ito sa likod ni Laudiana.

Mayroong tama ng bala sa ulo ang bangkay ng biktima.

Base naman sa tala ng pulisya, suspek si Laudiana sa pagnanakaw ng isang sasakyan noong May 19.

Sangkot din ito sa isang kaso ng pagnanakaw sa bayan ng Trinidad noong 2013 at naaresto sa pagdadala ng droga’t baril noong 2014.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon kung bakit pinaslang si Laudiana.

TAGS: Balilihan, Balilihan Police, Bohol, lalaking natagpuang patay sa gilid ng kalsada, Balilihan, Balilihan Police, Bohol, lalaking natagpuang patay sa gilid ng kalsada

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.