Facebook, itinigil ang pre-installing ng apps sa mga cellphone ng Huawei

Ihininto na ng Facebook ang pre-installing ng kanilang apps sa mga smartphones na ibinibenta ng Huawei Technologies Co.

Ito ay kaugnay ng kautusan ng Estados Unidos na putulin ang koneksyon sa Chinese tech giant.

Sinuspende na ng nasabing social network ang pagbibigay ng serbisyo sa Huawei.

Siniguro naman ng Facebook na magagamit pa rin ang kanilang app at maida-download ang mga updates ng mga kasulukuyang nagmamay-ari ng Huawei cellular phones.

Sa mga may bagong telepono na mula sa nasabing tech giant, maaari pa rin anila itong i-download.

Matatandaang ipinagbawal ng Estados Unidos sa mga kumpanya sa bansa na makipagnegosasyon sa China nang walang pahintulot ng gobyerno dahil sa di umano’y banta sa seguridad.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang Huawei kaugnay sa pagtanggal ng mga serbisyo ng mga kumpanya sa Estados Unidos.

Read more...