Tricycle driver sinaksak, 2 pasahero hinoldap sa Caloocan

By Jong Manlapaz June 08, 2019 - 05:08 AM

Sugatan ang isang tricycle driver matapos itong sasaksin ng isang lalaki at hinoldap pa ang dalawa nitong pasahero sa Mabini Street, Barangay 33, Caloocan City.

Sa inisyal na imbestigasyon, binabagtas ni Jhun Patrick Malia, 20 anyos ang nasabing lugar sakay ang dalawang pasahero na sina Ane Marie Sumpio Umali, 22 anyos at Mark John Cabezas Martin, 21 anyos.

Bigla na lamang sinaksak ng suspek na si Carlo Alejandro, 20 anyos ang driver na si Malia at hinoldup nito ang dalawang sakay ng tricycle at nakunan ng pera na nagkakahalaga ng P1,200.

Nagtangka namang tumakas ang suspek pero hinabol siya ng taumbayan kaya nahuli ito habang dinala sa pinakamalapit na ospital ang driver ng tricycle para lapatan ng lunas.

Nahaharap ngayon sa patong patong na kaso ang suspek na si Alejandro.

 

TAGS: holdap, pasahero, patay sa saksak, quezon city, tricycle driver, holdap, pasahero, patay sa saksak, quezon city, tricycle driver

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.