Lalaki patay sa inuman sa QC

By Jong Manlapaz June 08, 2019 - 03:50 AM

Patay ang isang lalaki na nakikipag-inuman lang sa Riverview, Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Kinilala ang nasawi na si Manuel Toldanes, 46 anyos.

Ayon sa saksing si Edwin Vidal, habang nag-iinuman sila ng biktima, dalawang lalaki ang lumapit sa kanila at pinagbabaril si Toldanes ng maraming beses na agad nitong ikinamatay.

Habang naglakad lamang ng tumakas ang dalawang suspek na hindi pa alam ang pagkakilanlan matapos ang krimen papuntang Batasan-San Mateo Road, Brgy. Batasan Hills.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng pamamaslang at kung sino ang nasa likod ng krimen.

 

TAGS: Batasan Hills, inuman, patay sa pamamaril, quezon city, suspek tumakas, Batasan Hills, inuman, patay sa pamamaril, quezon city, suspek tumakas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.