Maine at Arjo, mag-on na nga ba? Sylvia Sanchez halos umamin na

By Rhommel Balasbas June 08, 2019 - 03:43 AM

Tila umamin na si Sylvia Sanchez ukol sa tunay estado ng relasyon ng kanyang anak na si Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Sa panayam ng showbiz columnist na si Ricky Lo kay Sylvia, kinumpirma nito na dinala na ni Arjo si Maine sa kanilang bahay at pormal nang ipinakilala sa pamilya nooong May 23.

Nang tanungin kung magkarelasyon na ba sina Arjo at Maine, sinabi ni Sylvia na seryoso na ang dalawa.

Para anya dalhin sa bahay at ipakilala sa pamilya at ipaglaban ang isa’t isa ay hindi na kailangan pa ng anumang paliwanag.

“Para dalhin sa bahay at i-introduce sa pamilya namin at ipaglaban ang isa’t-isa, kailangan pa ba ng eksplanasyon niyan?”, ani Sanchez.

Wala namang masamang tinapay si Silvia para kay Maine na inilarawan niyang magalang at maganda ang ugali.

Sa apat na oras na tumagal anya ang family dinner ay napakagaan ng feeling ni Sylvia kay Maine na ipinakilala ang sarili bilang si Nicomaine Mendoza.

Natuwa ang ina ni Arjo dahil nagpakilala si Maine hindi bilang si Maine Mendoza na isang sikat na artista, kundi si Nicomaine na isang private person.

Magugunitang noong June 2 lamang kumalat sa social media ang mga larawan nina Maine at Arjo na magkasama sa Singapore.

 

TAGS: Arjo Atayde, family dinner, mag-on, Maine Mendoza, relasyon, singapore, Sylvia Sanchez, umamin, Arjo Atayde, family dinner, mag-on, Maine Mendoza, relasyon, singapore, Sylvia Sanchez, umamin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.