Azkals talo sa China sa football friendly

By Len Montaño June 08, 2019 - 03:35 AM

Sa tulong ng kanilang unang foreign-born football player, tinalo ng China ang Pilipinas sa isang friendly match sa Guangzhou.

Sinimulan ni Nico Yennari ang 2-0 home win ng China kontra Azkals araw ng Sabado.

Sa ngayon ay nasa 124th na pwesto ang Pilipinas sa FIFA rankings sa buong mundo habang ang China ay pang 74.

Sa gitna ng laro, naging 10 na lamang ang players ng Pilipinas matapos makuha ni Daisuke Sato ang pangalawang yellow card.

Ang Azkals ay nasa China para sa ilang laban bilang paghahanda sa 2022 FIFA World Cup.

 

TAGS: 124th rank, 2022 FIFA World Cup, Azkals, China, Daisuke Sato, football friendlry, friendly match, Nico Yennari, talo, yellow card, 124th rank, 2022 FIFA World Cup, Azkals, China, Daisuke Sato, football friendlry, friendly match, Nico Yennari, talo, yellow card

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.