Bayani, umaming gobyerno ang nagbayad sa kanyang flight sa Duterte visit sa Japan

By Rhommel Balasbas June 08, 2019 - 03:17 AM

Umamin ang komedyanteng si Bayani Agbayani na sinagot ng gobyerno ang bayad sa kanyang flight patungong Japan kung saan nagkaroon ng apat na araw na working visit si Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunitang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na gastos ng mga artista ang kanilang biyahe sa Japan.

Pero sa isang press conference para sa kanyang pelikulang ‘Feelennial’ kasama si Aiai delas Alas, sinabi ni Agbayani na ang kasunduan ay magpapasaya sila ng mga Filipino sa Japan.

Gastos anya ng gobyerno ang kanilang flight at hindi namang pwedeng mga artista pa rin ang maglalabas ng pera.

“Ang deal is magpapasaya ng mga kababayan natin, Pilipino community sa ibang bansa. Eto po ay dapat talaga na gastusan ng kung sinong magdadala samin dun. Hindi naman pwede na kami parin,” ani Agbayani.

Wala naman anya kasing bayad na kahit magkano ang kanilang pagtatanghal na ginawa sa Japan para mapasaya ang Filipino community.

“Hindi niyo po kasi alam kung magkano yung binabayad samin kapag nagaabroad kami, eto po libre. Walang bayad kahit singko,” giit ng komedyante.

Ayon kay Bayani, economy class lang naman ang kanyang flight at isinama rin niya ang kanyang asawa na siya rin naman na ang nagbayad ng pamasahe.

Magugunitang lumabas sa social media ang mga larawan nina Agbayani, Philip Salvador, Rodjun Cruz at Michael Pangilinan sa Japan kasabay ng working visit ng pangulo.

 

TAGS: artista, Bayani Agbayani, economy class, Feelennial, flight, gobyerno ang nagbayad, Japan, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, working visit, artista, Bayani Agbayani, economy class, Feelennial, flight, gobyerno ang nagbayad, Japan, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, Rodrigo Duterte, working visit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.