Patay sa aksidente sa Bohol, umakyat sa 3

By Len Montaño June 08, 2019 - 02:52 AM

Naging tatlo na ang nasawi sa aksidente sa Tagbilaran City, Bohol matapos pumanaw ang isang biktima sa ospital.

Namatay si Margarito Jamisola, 75 anyos na naconfine sa Gov. Celestino Gallares Memorial Hospital.

Ang dalawa pang nasawi ay sina Feliz Berta Cabillanes, 70 anyos at Eusebia Cubian, 56 anyos.

Sina Cabillanes at Cubian na dinala sa naturang ospital ay dead on arrival noong Huwebes ng hapon.

Kinagabihan ay si Jamisola naman ang pumanaw.

Nasa 26 naman ang nasugatan sa aksidente kabilang ang dalawang bata na may edad isa at dalawang taong gulang.

Ang mga biktima ay mga pasahero ng jeep na papuntang bayan ng Loay.

Bumangga ang jeep sa isang trak ng bumbero at kotse bago nahulog sa bangin.

Lumabas sa imbestigasyon na pumalya ang preno ng jeep.

Ang driver ng jeep na si Jovelito Curangcurang ay kritikal ang kundisyon.

 

TAGS: aksidente, Bohol, dead on arrival, Jeep, kotse, nahulog sa bangin, preno, trak ng bumbero, aksidente, Bohol, dead on arrival, Jeep, kotse, nahulog sa bangin, preno, trak ng bumbero

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.