Babae natagpuang patay sa Quezon City

By Len Montaño June 08, 2019 - 02:32 AM

Patay sa pananaksak ang isang 18 anyos na babae sa Payatas, Quezon City.

Natagpuan ang bangkay ni Allison Dacillo sa loob ng bahay nito na may tatlong saksak.

Ayon kay Lt. Col. Joel Villanueva, hepe ng Quezon City Police District Station 6, nadiskubre ang bangkay ng biktima dahil sa masamang amoy mula sa bahay nito,

Huling nakitang buhay si Dacillo Biyernes ng tanghali.

Nabatid na mag-isang nakatira sa bahay ang biktima dahil nasa ibang bansa ang mga magulang nito.

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng pinasok ang bahay ng biktima habang natutulog ito.

 

TAGS: 18-anyos, babae, patay sa pananaksak, Payatas, pinasok ang bahay, quezon city, 18-anyos, babae, patay sa pananaksak, Payatas, pinasok ang bahay, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.