Bagyong ‘Nona’ napanatili ang lakas

 

Napanatili ng bagyong ‘Nona’ ang lakas nito habang tinatahak ang direksyon patungong West Philippine Sea.

Ayon sa 11 pm weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 75 kilometro Kanluran Hilagang-Kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro.

May taglay na lakas ang bagyong ‘Nona’ ng aabot sa 140 kph malapit sa sentro nito, at pagbugso na aabot sa 170 kph.

Inaasahang gagalaw ito pa-kanluran sa bilis na 11 kph.

Nakataas pa rin ang Public Storm Warning Signal No. 3 sa mga probinsya ng Northern Mindoro kabilang na ang Lubang Island.

Signal No. 2 naman ang nararanasan sa Bataan, Batangas, Cavite, at ang iba pang bahagi ng Mindoro Provinces.

Signal No. 1 naman sa Metro Manila, Pampanga, Southern Zambales, Bulacan, Laguna, Rizal, Quezon, Marinduque, Romblon at Calamian group of Islands.

Mararanasan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa mga lugar na nasasakop ng 250 km diameter ng bagyo.

Samantala, isa nang ganap na Tropical Depression ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) at tinatayang nasa 1,580 km Silangan Timog-silangan ng Mindanao.

Read more...