Mga barko ng US at Russian Navy muntik magbanggaan sa Philippine Sea

Nagsisihan ang Estados Unidos at Russia sa muntikang banggaan ng kani-kanilang warships sa karagatang sakop ng Pilipinas araw ng Biyernes.

Inakusahan ng US at Russian militaries ang isa’t isa ng delikadong aksyon dahil sa paglapit ng isang American-guided missile cruiser at Russian destroyer sa layong 165 feet na lamang.

Ayon sa US 7th Fleet, inilagay sa peligro ng barko ng Russia ang kaligtasan ng USS Chancellorsville at crew nito, dahilan kaya ito nag-reverse ng lahat ng makina para maiwasan ang banggaan.

Naghahanda na umanong bumaba ang isang helicopter sa barko ng Amerika nang magmadali umano ang barko ng Russia na nasa likurang bahagi at lumapit sa Chancellorsville ng hanggang 50 hanggang 100 feet.

Pero ayon sa Pacific Fleet ng Russia, ang barko ng US ang lumapit sa kanilang destroyer na Admiral Vinogradov kaya napilitan ang barko na magsagawa ng biglaang aksyon para maiwasan ang banggaan.

Nangyari ang muntikang banggaan sa silangang bahagi ng East China Sea kung saan ang grupo ng Russian warships ay nasa parallel course sa US naval strike group.

Read more...