Bangkay ng lalaki, natagpuan sa isang kalsada sa Bohol

By Angellic Jordan June 07, 2019 - 08:25 PM

Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa bahagi ng Sikatuna-Balilihan road sa Tagbiliran City, Bohol araw ng Biyernes.

Ayon sa Bohol Provincial Police, nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng baril sa kaniyang ulo.

Maliban dito, naputol din ang kalahati ng kaliwang tenga nito at nakatali ang mga kamay gamit ang plastic na cable wire.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng biktima na posibleng may edad 20.

Ayon sa pulisya, mayroong dragon tattoo ang biktima sa kaniyang kaliwang braso habang Gothic writings naman sa kanang braso.

Sa ngayon, dinala na ang mga labi ng biktima sa punerarya.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente.

TAGS: Bohol, Bohol Provincial Police, Sikatuna-Balilihan road, Tagbiliran City, Bohol, Bohol Provincial Police, Sikatuna-Balilihan road, Tagbiliran City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.