2 sugatan sa sunog sa Quezon City; 120 pamilya, apektado
Sugatan ang dalawa katao makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Quezon City, Biyernes ng hapon (June 7).
Umabot sa 60 na bahay ang natupok ng apoy kung saan 120 na pamilya ang naapektuhan sa sunog sa Barangay Holy Spirit bandang 3:42 ng hapon.
Ayon sa Quezon City Fire Department, ang overloaded na ilegal na koneksyon ng kuryente ang tinitignang anggulo sa posibleng sanhi ng sunog.
Napag-alamang nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Bernard Cadiz.
Nasa P300,000 ang halaga ng kabuuang pinsala sa lugar.
Bandang 3:49 ng hapon, agad iniakyat sa ikalimang alarma ang sunog dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay.
Dakong 4:00 naman ng hapon nang ideklarang under control ang sunog.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.