P6.8M halaga ng shabu, nakumpiska sa 2 drug suspect sa Lanao del Sur

By Angellic Jordan June 07, 2019 - 07:29 PM

Nakumpiska ang nasa P6.8 milyong halaga ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Wao, Lanao del Sur araw ng Biyernes (June 7).

Kasabay nito, naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga suspek na sina Lendi Asiw Mangondacan at Darangil Ombo Angatong alyas ‘Salaudin.’

Ayon kay Col. Madzagani Mukaram, hepe ng Lanao del Sur police, sinubukang tumakas ni Mangondacan sa operasyon.

Nakipagpalitan pa umano ng putok ng baril si Mangondacan sa mga PDEA agent na naging dahilan ng tinamong tama ng bala sa kaniyang katawan.

Sinabi ni Mukaram na naisugod naman ang suspek sa ospital.

Samantala, ang isa pang suspek na si alyas ‘Salaudin’ ay nasa kustodiya na ng PDEA office ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao sa Cotabato City.

Maliban sa mga kontrabando, nakuha rin ang kotse na Kia Picanto na pinaniniwalaang pag-aari ng mga suspek.

TAGS: alyas 'Salaudin.', Darangil Ombo Angatong, Lanao Del Sur, Lendi Asiw Mangondacan, PDEA, wao, alyas 'Salaudin.', Darangil Ombo Angatong, Lanao Del Sur, Lendi Asiw Mangondacan, PDEA, wao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.