Ayon kay Zarate, ang bagong isyu ngayon sa Philhealth ay patunay lamang na talamak ang katiwalian kaya dapat managot ang mga opisyal nito.
Dapat aniyang masampolan, makasuhan at madisiplina ang mga opisyal ng PhilHealth dahil sa kontrobersiya.
Una rito, nabalot ng samu’t saring iskandalo ang ahensya mula sa maluhong gastos at biyahe ng mga opisyal nitong 2018, isyu na puro mga maykaya o mayayaman lamang ang natutulungan ng ahensya na lumutang noong 2010, diversion of funds noong 2016 at ang ghost dialysis treatment ngayong taon.
Dahil dito, nanawagan ang kongresista sa adminstrasyong Duterte na umaksyon na sa isyung ito bunsod ng hindi na masikmurang korapsyon.