Balasahan sa PhilHealth, iginiit ni Rep. Zarate

By Erwin Aguilon June 07, 2019 - 07:15 PM

Hinimok ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na magkaroon na ng rigodon sa pamunuan ng Philippine Health Insu­rance Corporation o PhilHealth matapos mabunyag ang ahensya sa “ghost dialysis” payment.

Ayon kay Zarate, ang bagong isyu ngayon sa Philhealth ay patunay lamang na talamak ang katiwalian kaya dapat managot ang mga opisyal nito.

Dapat aniyang masampolan, makasuhan at madisiplina ang mga opisyal ng PhilHealth dahil sa kontrobersiya.

Una rito, nabalot ng samu’t saring iskandalo ang ahensya mula sa maluhong gastos at biyahe ng mga opisyal nitong 2018, isyu na puro mga maykaya o mayayaman lamang ang natutulungan ng ahensya na lumutang noong 2010, diversion of funds noong 2016 at ang ghost dialysis treatment ngayong taon.

Dahil dito, nanawagan ang kongresista sa adminstrasyong Duterte na umaksyon na sa isyung ito bunsod ng hindi na masikmurang korapsyon.

TAGS: philhealth, Rep Carlos Zarate, philhealth, Rep Carlos Zarate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.