BOC, dapat maghigpit sa pre-inspection ng mga dumadating na kargamento sa bansa – Rep. Atienza

By Erwin Aguilon June 07, 2019 - 07:15 PM

Pinakikilos ni Buhay Rep. Lito Atienza ang Bureau of Customs (BOC) na magpatupad ng mahigpit na pre-inspection sa mga dumarating na containers mula sa ibang bansa.

Ayon kay Atienza, dapat magpatupad na ng compulsory pre-shipment inspection (PSI) ang BOC upang matigil na ang importasyon ng mga kontrabando na naglalaman ng basura o kaya ay ilegal na droga mula sa ibang mga bansa.

Sa ilalim ng pre-shipment inspection ay susuriin at beberipikahin na ng third party surveyors ang shipment details ng isang container bago pa man ito makalabas sa bansang pinanggalingan.

Sa kasalukuyan ay inoobliga lamang ang pre-inspection sa mga bulk at break-bulk cargo o commodities na liquid, granular o particulate form tulad ng krudo, petrolyo, grain, coal at iba pa.

Pahayag ito ni Atienza, kasunod ng pangamba na gawin na namang tambakan ng basura ang Pilipinas ng ibang mga bansa lalo pa’t naghahanap ngayon ng mapagdadalhan ng kanilang mga basura ang mga bansa sa North America at Europe matapos na ipagbawal na ng China ang importasyon ng mga used plastics at recyclables mula sa nasabing mga kontinente.

TAGS: Bureau of Customs, kargamento, Rep. Lito Atienza, Bureau of Customs, kargamento, Rep. Lito Atienza

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.