Kotse nasunog sa Edsa

Nasunog ang isang kotse habang binabagtas ang bahagi ng southbound lane sa EDSA corner Pasay Road, Biyernes ng hapon.

Pansamantalang pumarada ang kotse sa lane malapit sa train line ng Metro Rail Transit (MRT-3).

Sa Twitter, kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang insidente.

Sinabi ng ahensya na naganap ang insidente bandang 1:00 ng hapon.

Dahil dito, naokupa ang isang lane ng southbound ng EDSA.

Ayon sa MMDA, rumesponde na ang ilang traffic enforcer sa pinangyarihan ng insidente.

.

Read more...