Ilang kalsada sa Maynila isasara ngayong weekend

By Angellic Jordan June 07, 2019 - 05:15 PM

Magkakaroon ng road repair at reblocking sa ilang kalsada sa Maynila sa darating na weekend.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), magsisimulang isara ang mga kukumpunihing kalsada mula 11:00, Biyernes ng gabi (June 7).

Narito ang mga apektadong kalasada:

Sa Southbound:
– C5 malapit sa Market-Market
– EDSA bago ang Aurora Boulevard at pagkatapos ng Aurora Boulevard hanggang Arayat
– EDSA sa harap ng Guzent Construction Equipment
– EDSA Magallanes sa Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes at Alabang Bus Stop
– Katipunan pagkatapos ng F.B Dela Roxas Street hanggang bago ang Katipunan o Aurora Flyover

Sa Northbound naman:
– EDSA bago ang General Roxas Avenue hanggang pagkatapos ng Aurora Boulevard
– Quirino Highway Belfast Road hanggang Zabarte Road
– General Luis Street malapit sa Banahaw Street patungong Caloocan
– España Boulevard sa Ma. Cristina Street hanggang M. Dela Fuente Street

Muling bubuksan ang mga nasabing kalsada bandang 5:00, Lunes ng umaga (June 10).

Nag-abiso naman ang MMDA sa mga motorista na pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.