Bishop Pablo Virgilio David at Peter Joemel Advincula nagkaroon ng ‘brief encounter’

By Angellic Jordan June 07, 2019 - 04:43 PM

Inihayag ni Caloocan City Bishop Pablo Virgilio David na nagkaroon sila ng ‘brief encounter’ ni Peter Joemel Advincula o alyas ‘Bikoy’.

Ngunit, sa kaniyang Facebook post, pinasinungalingan ni David na nagkaroon ng pagkakataon na nakapulong niya sina Advincula at Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay David, hindi pa niya nakikita nang personal si Trillanes.

Nagkita naman aniya sila ni Advincula noong February 9 sa pamamagitan ni Fr. Albert Alejo kung saan humingi ng payo si Advincula dahil sa isa umanong ‘pressing concern.’

Nagpadala pa aniya ng text message si Alejo ilang araw bago ang pulong kung maaring dumaan sa kaniya sa nasabing petsa para humingi ng payo.

Ani David, si Alejo lamang ang inaasahan niyang darating noon ngunit nagulat siyang may kasama itong lalaki na hindi pormal na naipakilala sa kaniya.

Ipinaliwanag aniya sa kaniya ni Alejo na nasa panganib ang buhay ni Advincula.

Nagkausap aniya sila nang wala pang isang oras dahil nagmamadali siya para sa iba pang appointment bandang 9:00 ng umaga.

Natapos din aniya ang pulong nang hindi nito natatanong ang pangalan ni Advincula.

Dahil dito, sinabi ni David na isang ‘total stranger’ para sa kaniya si Advincula.

Matatandaang inilahad ni Advincula na nakipagpulong siya kasama si Trillanes at ilang pari kasama si

David para talakayin ang mga video upang patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: Caloocan City Bishop Pablo Virgilio David, Fr. Albert Alejo, Peter Joemel Advincula alayas bikoy, Caloocan City Bishop Pablo Virgilio David, Fr. Albert Alejo, Peter Joemel Advincula alayas bikoy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.