Arestado sa magkahiwalay na operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) – Anti-Cybercrime Division ang anim na Chinese na sangkot sa iba’t ibang krimen sa bansa.
Unang naaresto noong Mayo 31, 2019 sa isang hotel sa Parañaque City sina Junrong Jia, Xuejian Li, at Quijian Tian dahil sa kaso ng kidnapping at paglabag sa access device law.
Ayon sa NBI, dinukot ng sindikato ng mga suspek ang hindi pinangalanang biktima na dinala sa hotel sa Parañaque at nag-demand ng ransom sa pamilya ng biktima sa Beijing, China.
Kaugnay nito dinakip ng NBI ang mga suspek na sina Peter Lim Santos, Wang Liping at Au Pang Liang matapos na tangkaing suhulan ng kalahating milyong piso ang NBI operatives upang palayain ang tatlong suspek sa kidnapping for ransom.