Lalaki patay sa pamamaril sa Abra

By Angellic Jordan June 07, 2019 - 02:55 PM

Dead-on-arrival nang itakbo sa ospital ang isang bente-otso anyos na lalaki makaraang pagbabarilin sa Bangued, Abra Huwebes ng gabi.

Ayon sa mga imbestigador, nakaupo ang biktimang si Kelvin Bandayrel sa harap ng isang water refilling station sa Barangay Zone 5 nang biglang pagbabarilin bandang alas otso ng gabi.

Ayon sa pulisya, binaril nang tatlong beses ng suspek ang biktima bago ito tumakas.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng responsable sa pamamaril.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala ng handgun.

Sa ngayon, inaalam pa kung sino ang suspek at ano ang motibo sa likod ng krimen.

TAGS: Abra, Bangued, Kelvin Bandayrel biktima, Lalaki patay, Pamamaril, Abra, Bangued, Kelvin Bandayrel biktima, Lalaki patay, Pamamaril

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.