Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Briones na na-‘misunderstood’ ang huli nitong inilabas na pahayag ukol sa pagtataas ng sahod.
Aniya, ipinahayag lamang nito na dapat ikonsidera ang halaga ng pera na kailangang ilaan ng gobyerno para maipatupad ang dagdag-sweldo sa mga pampublikong guro.
Ang karagdagang P5,000 na sweldo kada guro ay mangangailangan ng P75 bilyon kada taon.
Dagdag pa nito, dapat ding ikonsidera ang mga poisiya sa buwis at budget reallocation.
Ani Briones, hindi lamang mga guro ang dapat ikonsidera ng gobyerno kundi dapat magkaroon ng pantay na relasyon sa iba pang opisyal ng gobyerno.
Matatandaang tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na kumikilos na si Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagtataas ng sahod ng mga pampublikong guro.