Bangkay ng babae natagpuan sa Laguna

By Rose Cabrales June 07, 2019 - 02:14 PM

Bangkay na nang matagpuan ang isang 38 taong gulang na ginang sa Sitio Calminue, Barangay Cansuso sa bayan Cavinti sa lalawigan ng Laguna.

Natagpuan ito ng kanyang binatilyong anak na nakasubsob sa putikan ilang metro ang layo sa kanilang kubo at nangangamoy na.

Ayon sa hepe ng Cavinti Police na si Police Capt. Abelardo Jarabero, nakilala ang biktima sa pangalang Felisa Meneses.

Base sa imbestigasyon, ang biktima at ang kanyang anak lamang ang nakatira sa bahay na nasa gitna ng bukid at isang linggo na ang nakalipas nang iwan ng binatilyong anak ang kanyang ina para maghanap ng trabaho sa Batangas.

Nang bumalik ang anak sa kanilang bahay ay hindi na niya nakita pa ang kanyang ina at kinabukasan ay ang masangsang na amoy ang nagdala sa kaniya sa kinaroroonan ng bangkay ng kanyang ina.

Wala namang nakitang sugat sa katawan ng biktima ngunit may palatandaan ito na sinakal.

TAGS: bangkay, cavinti, ginang, laguna, bangkay, cavinti, ginang, laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.