Panibagong petisyon vs provincial bus ban sa EDSA inihain sa SC

By Ricky Brozas June 07, 2019 - 12:45 PM

Contributed Photo
May panibagong petisyon na inihain sa Kort Suprema na kumukwestyon sa plano ng ng MMDA na pagbawalan ang mga provincial bus sa EDSA.

Naghain ng petisyon sa Supreme Court, Biyernes (June 7) ng umaga ang mga miyembro ng MAKABAYAN bloc na humihirit ng Temporary Restraining Order o TRO para hindi matuloy ang planong ng MMDA.

Ayon kay Bayan Muna Partylist Chairperson Atty. Neri Colmenares, walang kapangyarihan ang MMDA para magpatupad ng sariling pasya sa kung anong mga sasakyan ang papayagan at hindi papayagang magterminal sa EDSA.

Sinabi ni Colmenares na ura-urada ang pasya ng MMDA na maipatupad ang ban kahit hindi pa nakonsulta ang mga apektadong stakeholder.

Una rito ay naghain ng kaparehong petisyon si Albay 2nd Dist. Rep. Joey Salceda dahil labis aniyang maaapektuhan nito ang mga pasahero mula sa mga lalawigan.

TAGS: edsa, mmda, Provincial bus ban, Supreme Court, tro, edsa, mmda, Provincial bus ban, Supreme Court, tro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.