1 patay, 4 sugatan sa aksidente sa Quezon

Isa ang nasawi habang apat ang sugatan sa aksidente na naganap sa Tagkawayan Quezon, Biyernes (June 7) ng umaga.

Binabagtas ng isang van ang kahabaan ng Quirino Highway nang banggain nito ang isang nakaparadang truck.

Ayon sa Tagkawayan police station, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng L300 van na si Mark Anthony Palad kaya ito bumanga sa truck.

Sugatan si Palad at ang mga sakay niyang sina Leoncio Rañada Jr., Isidro Maravilla Jr., at Annabelle Aslor.

Ang isa pang sakay ng van na si Christian Aslor ay hindi na umabot ng buhay sa ospital.

 

Read more...