Erwin Tulfo inatasan ng PNP na i-surrender ang kaniyang mga armas
Ipinasasauli na ng Philippine National Police (PNP) ang mga armas ng radio personality na si Erwin Tulfo.
Ayon kay PNP Spokesperson Col. Bernard Banac, noong buwan ng Mayo ay napaso na ang license to own and possess firearms (LTOPF) ni Tulfo.
Dahil dito, ipinag-utos na ng PNP ang recall o temporary custody sa mga armas na pagmamay-ari ng brodkaster.
“The PNP has ordered for the recall or temporary custody or safekeeping of the firearms of Erwin Tulfo in as much as the license to own and possess firearms of Mr Erwin Tulfo has already expired,” ani Banac.
Ang notice ay naipadala na aniya kay Tulfo noong Huwebes, June 6.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.