Tatlo arestado sa buy-bust sa Nueva Ecija

Arestado ang tatlong katao sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa San jose City sa Nueva Ecija.

Ikinasa ang operasyon sa Brgy. Abar 1st sa naturang lungsod dakong ala 1:30 ng madaling araw ng Biyernes (June 7)

Ayon kay P/Lt. Col. Heryl Bruno hepe ng San Jose City Police Station, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Herman Hipolito, 37 anyos; Erica Espinosa, 23 anyos at Jonathan Roque, 26 anyos.

Nakuhanan ang tatlo ng tatlong maliliit na plastic sachet ng shabu at P500 bill.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Read more...