Construction worker patay sa pamamaril sa Inayawan, Cebu City
Patay ang isang construction worker makaraang pagbabarilin habang naglalakad sa Sitio Malipayon sa barangay Inayawan, Cebu City.
Ayon sa Pardo police, nangyari ang pamamaril Huwebes (June 6) ng hapon sa isang bakanteng lote.
Nilapitan umano ang biktima na nakilalang si Julius Gomez, 52 anyos ng isang lalaking naka-angkas sa isang motorsiklo at bigla na lamang itong binaril bago mabilis na tumakas.
Ayon naman sa kapatid ng biktima, dati na itong nakulong at nasangkot sa iligal na droga.
Ito ang ikalawang insidente ng pamamaril sa loob lamang ng dalawang linggo.
Noong nakaraang huwebes, isang lalaki din ang pinagbabaril sa Barangay Binaliw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.