Paalala ng DepEd: Ngayon ang huling araw ng online application para sa SHS Voucher Program

Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) na ngayon na (June 7) ang huling araw ng pasusumite ng online application para sa Senior High School (SHS) Voucher Program.

Ayon sa DepEd, mayroong hanggang 11:59 ng gabi mamaya ang lahat ng nais pang humabol para makapagsumite ng aplikasyon online sa pamamagitan ng Application Portal (OVAP) na https://ovap.peac.org.ph.

Magugunitang sa halip na June 2 ay ginawang June 7 ng DepEd ang deadline para sa online application habang natapos na noong May 31 ang manual application.

Kapag nakapaghain ng aplikasyon online, kailangang isumite ang scanned copy ng kumpletong requirements at supporting documents para makumpleto ang proseso.

Kabilang sa requirements ang mga sumusunod:

– filled out Voucher Application Form (VAF-1)
– recent 2×2 colored ID photo
– proof of financial means ng magulang o guardians

Read more...